New witnesses sa Hello Garci haharap ngayon
January 19, 2006 | 12:00am
Itutuloy ngayon ng Senado ang imbestigasyon ng Hello Garci tape kung saan inaasahang haharap ang anim na testigo na inaasahang tutugon sa apat na katanungan para mabigyan linaw ang kontrobersyal na pag-uusap nina Pangulong Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcilliano.
Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, chairman ng senate committee on national defense and security, hindi na importante kung ano ang nilalaman ng kanilang pag-uusap bagkus ang mahalaga daw ay kung sino ang nag-utos para i-wire tapped, sino pa ang na-wire tapped, paano na wiretapped si PGMA at kung sino ang nag wire-tapped.
Sinabi pa ni Biazon, na posible pang madagdagan ang kanyang mga testigo, na ayaw niyang ipabanggit ang pangalan pero ayon sa isang source ay posibleng kabilang dito sina dating ISAFP chief Victor Corpus at dating Sen. Gregorio Honasan.
Inimbitahan din sa committee hearing ngayon sina dating NBI deputy chief Samuel Ong, Marieta Santos na live-in partner ni T/Sgt. Vidal Doble at Michael Angelo Zuce. Naniniwala din si Biazon na hindi makakahadlang ang Executive Order 464 ng Malakanyang sa kanyang mga testigo.
Samantala, nakatakdang talakayin din ngayon ng Joint Legislative Oversight Committee of Visiting Forces Agreement (LOVFA) ang nasabing kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa pangunguna ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended