^

Bansa

Extortion vs Rep. Suplico isinampa sa Ombudsman

-
Ipinagharap ng kasong extortion o pangingikil at iba pang paglabag sa batas sa Ombudsman si Iloilo Rep. Rolex Suplico.

Ang reklamo ay isinampa ng negosyanteng si Emiliano dela Victoria kaugnay ng umano’y pang-aabuso ni Suplico ng kanyang kapangyarihan bilang mambabatas nang magsampa ito ng resolusyon na magbibigay pabor sa Goodwill Trading kung saan isa sa sa mga stakeholder ang biyenan nitong lalaki.

Ayon kay dela Victoria, nakasaad sa record ng 11th Congress na nagsampa si Suplico ng Congressional resolution at petisyon upang ipawalang bisa ang water permits na ipinalabas ng National Water Resource Board (NWRB) sa Kimberly Clark Philippines sa Iloilo.

Sinabi nito na sa naturang congressional resolution ay napilitang magbayad ang Kimberly Clark ng P175 milyon sa Goodwill Trading bunga na rin umano ng labis na intimidasyon.

Bukod dito, inakusahan din ni dela Victoria na sangkot din umano si Suplico sa panghihingi ng P2 milyon sa dalawang malalaking telecommunications company, ang Globe Telecom at Smart, upang ipamudmod sa tinaguriang "Gang of Five" sa Kamara.

Aniya, ginagamit umano ni Suplico ang kanyang kapangyarihan at impluwensiya upang magipit ang ibang tao. (Doris Franche)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

GANG OF FIVE

GLOBE TELECOM

GOODWILL TRADING

ILOILO REP

KIMBERLY CLARK

KIMBERLY CLARK PHILIPPINES

NATIONAL WATER RESOURCE BOARD

ROLEX SUPLICO

SUPLICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with