Gantimpala ni PGMA sa batang uliran
January 10, 2006 | 12:00am
Tutulungan ni Pangulong Arroyo na makahanap ng trabaho ang ama ni Cristina Bugayong, ang 12-anyos na batang nagsauli ng P300,000 cash at tseke na napulot nito kamakailan.
Nangako kahapon si Pangulong Arroyo kay Tinay, nang magbigay-galang ang bata sa Pangulo, na tutulungan niyang muling makapagtrabaho ang kanyang ama na dating seaman matapos tanggihan ng bata ang alok na gantimpalang cash ng punong ehekutibo.
Sinabi ng bata, na pangarap ay maging mamamahayag balang araw, ang kanyang ama ay dating seaman habang ang kanyang ina naman ay assistant chef sa isang retaurant.
Pinuri ni PGMA ang mga magulang ng bata dahil sa magandang pagpapalaki nito kay Tinay at mga kapatid nito.
Nagtungo din sa Palasyo si Sr. Insp. Dominador Arevalo ng Manila Police District upang magbigay-galang sa Pangulo.
Pinuri din ni PGMA si Arevalo dahil sa katapatan nito matapos isauli sa may-ari ang napulot nitong P150,000 cash. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended