Kinilala ang mga suspek na sina Rodolfo Cuer, umanoy miyembro ng isang kidnap-for-ransom gang; Rudy Baclor, 49, maggugulay; Felimon Ravino, 42, nagpapa-arkila ng videoke; Mark Datas, 23, truck driver; Efren Samonte, isang alyas Danny at isang alyas Haji, pawang nakatira sa Molino, Bacoor.
Ang pitong suspek ay naaresto sa magkakahiwalay na pagsalakay ng Task Force Gingoyon sa Green Valley Subdivision, Brgy. Molino 3 at Brgy. Queensrow, pawang sa Bacoor.
Base sa imbestigasyon, dalawa umanong testigo na hawak ng pulisya ang kumilala kay Cuer na siya umanong nagsilbing look-out ng gunman bago nabaril si Gingoyon.
Isang NBI agent na tumangging magpakilala ang nagsabing umamin na ang isang suspek na tumanggap umano siya ng P150,000 sa isang mastermind para likidahin si Gingoyon sa hindi malamang kadahilanan.
Samantala, sumugod ang mga pamilya ng mga suspek sa harapan ng Cavite PNP upang itanggi ang kaugnayan ng kanilang mga inarestong kaanak sa krimen.
Ito ang mariing inihayag ni Sr. Supt. Manuel Barcena hinggil sa pagsangkot ng kanyang pangalan sa pagpatay kay Gingoyon.
Sinabi ni Barcena na wala siyang kinalaman sa naturang pamamaslang bagaman nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng nasabing hukom pagdating sa kani-kanilang trabaho at prinsipyo.
"Before the eyes of God I am completely innocent and I have no involvement whatsoever in the said killing," ani Barcena matapos na ihayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez na posibleng maging suspek ang opisyal sa krimen.
Iginiit ni Barcena na hindi siya naghiganti laban kay Gingoyon dahil hinintay niyang gumulong ang hustisya matapos ipasibak nito at malagay sa "floating status".
"I have won and I was recently promoted, how could I do something like that?, tanong ni Barcena.
Kaugnay nito, mistulang nilinis ng NBI si Barcena sa Gingoyon slay matapos na walang makuhang sapat na ebidensya na magdidiin sa kanya.
Inamin ni NBI officer-in-charge Atty. Nestor Mantaring na hindi pa nila maiuugnay sa krimen si Barcena dahil wala pang makalap na ebidensya ang NBI na magpapatunay na siya ang nag-utos na ipapatay si Gingoyon dahil lamang sa personal na galit.