^

Bansa

4 Judge nominado bilang NBI chief

-
Apat na huwes bukod sa apat ding dating mga heneral at isang mayor ang pinagpipiliang italaga bilang pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) kapalit ng yumaong si NBI Director Reynaldo Wycoco.

Isang miyembro ng Malacañang Search and Select Committee ang naghayag na lumawak ang shortlist ng mga nominado sa NBI post kaugnay ng mga pag-eendorso ng iba’t ibang grupo sa apat na huwes, tatlo sa mga ito ay kasalukuyang nakatalaga bilang regional trial court judges.

Pangunahin sa apat na huwes na nominado bilang NBI chief si Supreme Court Assistant Court Administrator Judge Reuben P. de la Cruz, dating Marikina RTC judge na nakapaglingkod na rin sa NBI noong panahon ni NBI Chief Jolly Bugarin.

Mula nang mahirang na assistant court administrator noong nakaraang taon, si de la Cruz, 62 taong gulang ay tumutulong na sa Korte Suprema sa pangangasiwa ng 2,153 mababang korte at mga tauhan nito sa buong bansa. Saklaw din ng kanyang responsibilidad ang pagpapailalim sa drug test ng lahat na empleyado ng hudikatura sa buong bansa.

Ayon sa mga taga-loob ng search committee malaki ang posibilidad na dinggin ng Pangulo ang panawagan ng mga kawani ng NBI na iiwas sa pulitika ang kawanihan para maibalik sa dating reputasyon ang NBI.

Hingi ng mga tauhan ng NBI na gawing mga eksperto at may respeto ang mga ahente ng kawanihan.

Sinasabing malakas ang kumpetisyon ng apat na huwes sa mga pinagpipilian na pawang ang karanasan ay may kinalaman sa pulis at militar dahil sa mayaman nilang karanasan sa pangangalap ng ebidensiya at pagpapalakas ng kaso.

Ang nominasyon ni de la Cruz ay inindorso ni Binalonan Pangasinan Mayor Ramon Juico Jr. presidente ng League of Municipalities of the Philippines. (Lilia Tolentino)

BINALONAN PANGASINAN MAYOR RAMON JUICO JR.

CHIEF JOLLY BUGARIN

CRUZ

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

KORTE SUPREMA

LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES

LILIA TOLENTINO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with