Appointment ni Mantaring sa NBI hiniling kay GMA
December 31, 2005 | 12:00am
Pormal na inihayag na ng mga ahente at empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang pag-ayaw sa pagtatalaga ng "outsider" matapos na magpadala ng resolusyon kay Pangulong Arroyo upang italaga na bilang permanenteng hepe ng ahensiya si Asst. Director Nestor Mantaring.
Tatlong organisasyon sa pangunguna ng NBI Investigators Mutual Benefit Association, Inc. (NBIMBAI) ang nagsumite ng Resolution No. 04 na pinirmahan nitong Disyembre 23, 2005 kay Pangulong Arroyo na humihiling na pangalanan na si Mantaring bilang opisyal na kahalili ng namayapang si director Reynaldo Wycoco.
Ayon kay NBIMBAI president Jonathan Galicia, sinusuportahan ng asosasyon na may 2,000 miyembro buhat sa "rank-and-file" hanggang mga imbestigador, ang kapwa nila career official na si Mantaring.
"Its high time that the NBI executive officers be given what are due them growth, respect, pride and dignity, and the opportunity to shape of these career executives," ayon kay Galicia.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Mantaring ang NBI bilang officer-in-charge matapos na ma-comatose si Wycoco nang ma-stroke sa loob ng kanyang opisina.
Nakasaad din sa resolusyon na tiyak magiging mataas ang morale ng mga empleyado at ahente ng ahensiya kung ito ang mapipili.
Kasalukuyan umanong may mababang morale ang ilan sa mga career official ng ahensiya dahil sa paghirang ng mga taga-labas bilang pinuno.
Una nang nagsulputan ang mga pangalan nina Transportation Secretary Reynaldo Berroya, dating PNP Chief, ret. General Edgar Aglipay; Davao City Mayor Rodrigo Duterte at maging si Manila Police District director, C/Supt. Pedro Bulaong na mga tumatarget umano sa bakanteng posisyon. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest