Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Romy Macalintal matapos tutulan ng oposisyon ang panawagan ng Pangulo na kalimutan na ang nakaraan at magkaroon na ng pambansang pagkakaisa.
Sinabi pa ng oposisyon na isusulong nila ang panibagong impeachment laban sa Pangulo sa 2006.
"I appeal to the opposition for a one year silence, isang buong taong political ceasefire dahil sayang naman ang gains ng GMA government economically. Tutal, may 2007 elections naman. Doon na sila mamulitika," ani Macalintal.
Sinabi pa ni Macalintal na hindi naman susuportahan ng mamamayan ang panukalang no elections.
Sinabi pa ni Macalintal na sawa na ang mga tao sa ingay ng pulitika at ang administrasyon naman ay may suporta ng Kongreso.
"I hope pakikinggan nila ito. One year muna ng pahinga sa pulitika. Lets give peace and development a chance sa buong 2006," dagdag ni Macalintal. (LATolentino)