^

Bansa

1-year political ceasefire hirit sa oposisyon

-
Hiniling ng abogado ni Pangulong Arroyo sa oposisyon na magpatupad ng isang taong pananahimik sa batikusan at pamumulitika para maisulong ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Romy Macalintal matapos tutulan ng oposisyon ang panawagan ng Pangulo na kalimutan na ang nakaraan at magkaroon na ng pambansang pagkakaisa.

Sinabi pa ng oposisyon na isusulong nila ang panibagong impeachment laban sa Pangulo sa 2006.

"I appeal to the opposition for a one year silence, isang buong taong political ceasefire dahil sayang naman ang gains ng GMA government economically. Tutal, may 2007 elections naman. Doon na sila mamulitika," ani Macalintal.

Sinabi pa ni Macalintal na hindi naman susuportahan ng mamamayan ang panukalang no elections.

Sinabi pa ni Macalintal na sawa na ang mga tao sa ingay ng pulitika at ang administrasyon naman ay may suporta ng Kongreso.

"I hope pakikinggan nila ito. One year muna ng pahinga sa pulitika. Let’s give peace and development a chance sa buong 2006," dagdag ni Macalintal. (LATolentino)

vuukle comment

HINILING

KONGRESO

MACALINTAL

NAMAN

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROMY MACALINTAL

SINABI

TUTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with