^

Bansa

Plano ng oposisyon na mapatalsik si PGMA sa 2006 mabibigo — solons

-
Naniniwala ang mga lider ng Kamara de Representantes na sa kangkungan dadamputin ang binabalak ng oposisyon na mapatalsik sa puwesto sa susunod na taon si Pangulong Arroyo.

Sa pinagsamang kalatas, inihayag nina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Cebu City Rep. Antonio Cuenco na walang magaganap na pagbabago sa liderato ng pamahalaan sa susunod na taon, taliwas sa ipinahayag ni Sen. Rodolfo Biazon na mas marami pang gulo ang kakaharapin ng Pangulo.

Anila, ang malinaw sa ginawang pahayag ni Biazon ay patunay lamang na hindi titigil ang oposisyon sa kanilang kampanyang mapatalsik si Pangulong Arroyo.

Ayon pa kay Salapuddin, inaasahan na nila na gagamitin ng oposisyon ang lahat ng isyu, kabilang na ang paulit-ulit at halos walang katapusang "Hello Garci" tape para lamang siraan si Mrs. Arroyo at ang administrasyon.

Sinabi pa ng kinatawan mula sa lalawigan ng Basilan na tila hindi matanggap ng oposisyon ang katotohanan na matagal nang tapos ang halalan.

Hinikayat naman ni Cuenco si Pangulong Arroyo at ang mga kaalyado na huwag magpadala sa mga pag-iingay na gagawin ng oposisyon at ituon na lamang ang pansin sa pagbibigay ng serbisyo at programa para sa taumbayan.

Aniya, nakakalungkot na habang ang ibang bansa ay nagkakaisa sa kanilang layuning mapalakas pa ang kanilang ekonomiya, nananatiling nakatali sa pulitika ang ilang lider sa Pilipinas. (Malou Rongalerios)

ANILA

ANTONIO CUENCO

CEBU CITY REP

HELLO GARCI

HOUSE DEPUTY SPEAKER

MALOU RONGALERIOS

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with