^

Bansa

Subic rape case isasampa na

-
Nakatakdang isampa ngayong araw sa korte ang kasong rape laban sa mga sundalong Amerikano at driver ng Starex van kaugnay sa reklamong inihain ng isang 22-anyos na Pinay sa Olongapo Prosecutor’s Office.

Nabatid mula kay Olongapo Prosecutor Prudencio Jalandoni, ngayon na ipapalabas ang resolusyon sa kaso at bago mag-alas-11 ng tanghali ay kailangan na nilang isampa sa Olongapo Regional Trial Court ang kaso upang mai-raffle sa kung kaninong sala ng hukom mapupunta.

Apat lamang sa anim na sundalong Amerikano ang kakasuhan at pang-lima si Timoteo Soriano, ang unang nagsilbing testigo subalit nabigong makipagtulungan at sumipot sa preliminary investigation ng piskalya.

Kabilang sa US servicemen na sasampahan ng rape sa korte sina Daniel Smith, Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Chad Carpentier.

Samantala, sinabi ni Jalandoni na walang nakitang matibay na ebidensya upang isangkot sa kaso sina Albert Lara at Corey Barris. (Grace dela Cruz)

ALBERT LARA

AMERIKANO

CHAD CARPENTIER

COREY BARRIS

DANIEL SMITH

DOMINIC DUPLANTIS

KEITH SILKWOOD

OLONGAPO PROSECUTOR

OLONGAPO PROSECUTOR PRUDENCIO JALANDONI

OLONGAPO REGIONAL TRIAL COURT

TIMOTEO SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with