^

Bansa

General, 4 Colonel dawit sa planong coup

-
Isang heneral at apat na colonel kabilang ang dalawang retiradong opisyal ng pulisya ang lumutang na umano’y nasa likod ng sumingaw na kudeta para patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo,

Sa nakalap na ulat, may ugnayan umano ang limang opisyal sa oposisyon. Isa sa mga colonel na isinasabit sa Xmas coup ay tinanggal sa puwesto matapos akusahang sangkot sa electioneering dahilan sa pangangampanya umano sa kandidatura ni yumaong presidential candidate Fernando Poe, Jr.

Subalit nilinis sa kaso ng Supreme Court ang nasabing colonel dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Minomonitor na umano ng mga intelligence officers ng AFP ang galaw ng sinasabing mga coup plotters at isinumite na rin ang kanilang mga pangalan sa Pangulo.

Nanindigan naman si AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga na nananatiling solido ang militar. (Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF OF STAFF GEN

FERNANDO POE

GENEROSO SENGA

ISA

ISANG

JOY CANTOS

MINOMONITOR

NANINDIGAN

PANGULONG ARROYO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with