^

Bansa

Negosyo para sa mga tricycle driver

-
May pagkukunan na ng dagdag-kita ang mahigit 6 milyong miyembro ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Associations of the Philippines, Inc. (NACTODAP).

Inilunsad kamakailan ng TM (pinalakas na Touch Mobile) ang isang livelihood project na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tricycle driver na makapagbenta ng mga TM Power 64k SIM cards, Globe AutoloadMAX at Globe prepaid cards. Tinaguriang "reloading centers on wheels", ang proyekto ay hindi lamang makakatulong sa mga tricycle driver kundi pati na rin sa publiko dahil mas magiging madali na ang pag-reload ng mga TM at Globe subscriber. Kasalukuyang isinasagawa ng TM at NACTODAP ang pilot-test ng proyekto sa mga miyembro ng TODA sa Cavite at Metro Manila.

Ayon kay TM head Nonie Busuego, lalong pinaigting ng proyekto ang layunin ng TM na matulungan at maiangat ang pamumuhay ng mga blue-collar worker tulad ng mga nasa transport sector. "Marami sa mga tricycle driver natin ang nais magkaroon ng pandagdag sa araw-araw nilang kita kaya tutugunan ito ng TM sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng negosyo habang pumapasada," paliwanag ni Busuego.

Dagdag pa ni Busuego, magiging madali lamang sa mga tricycle driver ang pagbebenta ng load dahil sa mga lugar na may maraming tao sila karaniwang pumapasada. Hindi lamang mga pasahero ang puwedeng maging customer ng mga tricycle driver kundi pati na ang ibang motorista.

Hindi rin umano nangangailangan ng office space at special equipment para makapagbenta ng load kaya kahit pumapasada, tuloy ang negosyo! Isang cellphone at retailer SIM card lamang ang kailangang dalhin ng driver para makapagbenta ng load.

AYON

BUSUEGO

CAVITE

DAGDAG

DRIVER

DRIVERS ASSOCIATIONS OF THE PHILIPPINES

METRO MANILA

NONIE BUSUEGO

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with