^

Bansa

Cha-cha susi sa pag-unlad ng Pinas

-
Tiniyak kahapon ng mga kongresista na magiging susi sa pag-unlad ng bansa ang mungkahing baguhin ang sistema ng pamahalaan sakaling tanggapin ito ng taumbayan sa pamamagitan ng isang plebisito.

Sa pinagsamang kalatas, sinabi rin nina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Manila Rep. Ernesto "Banzai" Nieva na kapakanan ng sambayanan ang layunin sa pagpupursige ng mga mambabatas na maipatupad ang pagbabago sa pamahalaan upang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan at pantay-pantay na maibigay sa mamamayan ang kaunlaran at kasaganahan.

Ginawa nina Salapuddin at Nieva ang pahayag makaraan ang pagdududang ginawa ng Moody’s Investors Service na babagal ang kaunlaran ng bansa sa pagsusulong ng Charter change.

Ayon pa kay Salapuddin, walang basehan ang pahayag ng Moody’s dahil kabaligtaran ito sa magaganap sakaling aprubahan ng taumbayan ang pag-amyenda sa Saligang batas.

Aniya, mas lalo pang uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa sandaling payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng negosyo at kalupaan sa bansa.

Sinabi naman ni Nieva na ang pagbuo ng pamahalaan ng isang Constitutional Commission upang pag-aralan kung anong mga probisyon sa Konstitusyon ang dapat baguhin ay isang palatandaan na determinado ang administrasyon na ipatupad ang pagbabago.

Aniya, ang pagreporma sa Saligang Batas ay matatag na sinusuportahan ng mga kongresista dahil nais na nilang mapalitan ang pampulitikang sistemang nakabatay sa maruming pamumulitika.

Hinikayat din ni Nieva ang Moody’s at iba pang international credit rating na tigilan muna ang paghuhusga sa pagsusulong ng Cha-cha at sa halip ay magbigay ng mungkahi kung papaano pa mapapalakas ang pagpapatupad dito. (Malou Rongalerios)

ANIYA

CONSTITUTIONAL COMMISSION

HOUSE DEPUTY SPEAKER

INVESTORS SERVICE

MALOU RONGALERIOS

MANILA REP

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

NIEVA

SALAPUDDIN

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with