Sa kanyang talumpati sa nasabing World Congress, sinabi ni de la Paz na ang paggawa at paggamit ng mapanganib na elementong ito ay patuloy na tumataas, lalo na sa mga developing countries. Mahigit 500,000 cancer-related deaths ang inaasahan sa Western Europe sa taong 2029 dahil sa paggamit ng asbestos, na napatunayang nagdudulot ng pagkakasakit, pagkabalda at kamatayan sa mga taon na-expose dito, lalo na sa lugar ng kanilang trabaho. Dahil dito, ani de la Paz, isang pasanin din sa ekonomiya at healthcare sytem ng isang bansa ang asbestos-related deaths.
Itinuturing ng ISSA, na isang organisasyon ng mga social security at pension institutions sa buong mundo, na ethical responsibility ng bawat bansa ang pagbabawal sa paggawa at paggamit ng asbestos, kahit na mayroon ding mga bansa na kumbinsido na wala o maliit lamang ang epekto sa kalusugan ng tao ang asbestos.
Ang 17th World Congress on Safety and Health at Work na may temang "Prevention in a Globalized World Success through Partnership" ay inorganisa ng National Safety Council, ang International Labor Organization at ang International Social Security Association.