^

Bansa

Plunder ni Garcia hamon sa bagong Ombudsman

-
Isa umanong hamon sa bagong upong si Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kasong plunder na kinakaharap ni dating AFP Comptroller ret. Major Gen. Carlos Garcia.

Ayon kina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina, kahit nasentensiyahan ng ‘guilty’ ng military court si Garcia ay dapat pa rin ituloy ng Ombudsman ang pagpupursige sa kasong pandarambong na kinakaharap nito sa Sandiganbayan dahil ang sentensiya ng military court laban sa dating opisyal ay para lamang sa Articles of War.

Si Garcia ay nahaharap sa kasong P303 milyong plunder na may maximum penalty na kamatayan at kasong perjury dahil sa P100 milyong unexplained wealth nito.

Ang pagsusulong ng kaso laban kay Garcia ay hamon kay Gutierrez para walisin sa pamahalaan ang mga tiwaling opisyal. (Malou Rongalerios)

ARTICLES OF WAR

CARLOS GARCIA

GARCIA

HOUSE DEPUTY SPEAKER

ILOCOS SUR REP

MAJOR GEN

MALOU RONGALERIOS

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

SALACNIB BATERINA

SI GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with