RRPP nilinis ng CMP sa fish kill sa Albay
November 30, 2005 | 12:00am
Hindi pa man nabibisita ng isang independent team, tila inabsuwelto na ng Chamber Mines in the Philippines ang operasyon ng Rapu-Rapu Polymetallic Project sa Albay kaugnay sa fish kill na naganap kamakailan.
Ito ay matapos magpahayag si CMP Chairman Artemio Disini na binisita na niya ang lugar para ikalma ang mga residente doon gayong hindi pa pala ito nakakapunta sa Albay at nakatakda pa lamang imbestigahan ng isang independent team ang insidente.
Matatandaan na noong Oktubre 11 at Oktubre 31 ay nagpakawala ng tubig mula sa dam ang La Fayette na nagresulta sa pagkamatay ng may 53 kilo ng isda. Ang operasyon nito ay pansamantalang ipinahinto bunga na rin ng ulat na ang ipinakawalang tubig ay nagtataglay ng mataas na antas ng cyanide na ginagamit sa pagbuo ng ginto.
Ang RRPP ay pinatatakbo ng La Fayette Philippines Inc., (LPI) na ang operasyon ay matatagpuan sa Rapu-Rapu Island, 55 kilometro ang layo mula sa Albay, Bicol na ang 1.4 bilyon nito ay isa sa mga unang mining project na napayagan matapos na ipatupad ng Korte Suprema ang validity ng mining Act of 1995.
Ani Disini, ang paglilinis sa pangalan ng RRPP ay naglalayong alisin ang takot ng bawat isa dahil ginagawa naman anya ng La Fayette Mining Company ang lahat ng mga paraan para sa kaligtasan ng lahat partikular na ang structure capability ng kanilang "tailing dam".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest