^

Bansa

Rape victim sa Subic pinalalantad ng Prosecutor

-
Hiniling kahapon ni Olongapo City Prosecutor Prudencio Jalandoni sa biktima ng rape sa Subic na lumutang ito sa ikalawang preliminary investigation ngayon upang ipakitang interesado pa itong isulong ang kaso laban sa 6 na US Marines.

Sinabi ni Prosecutor Jalandoni, mas makakabuting lumantad ang 22-anyos na Pinay sa preliminary investigation ng kaso ngayon upang makitang interesado pa itong isulong ang rape charges laban sa 6 US servicemen.

Ayon kay Jalandoni, pinagbabawalan ng mga abugado ang biktima na humarap sa preliminary investigation ng kaso dahil sa right to privacy nito.

Ngayon ang itinakdang huling araw ng Prosecutors Office upang maghain ng kanilang counter-affidivadit ang 6 na sundalong Kano.

Reresolbahin din ngayon ang inihaing motion for confrontation ng akusadong si Albert Lara.

Magugunita na inakusahan ng 22-anyos na biktima na ginahasa siya ng 6 na sundalong Kano noong Nov. 1 sa loob ng isang van sa Subic. (Grace dela Cruz)

ALBERT LARA

AYON

CRUZ

HINILING

JALANDONI

KANO

OLONGAPO CITY PROSECUTOR PRUDENCIO JALANDONI

PROSECUTOR JALANDONI

PROSECUTORS OFFICE

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with