Nominasyon ni Miriam sa SC ihahabol
November 26, 2005 | 12:00am
Magdaraos ng special en banc meeting ang Judicial and Bar Council (JBC) para pag-usapan kung papayagan pa ang ginawang nominasyon ng Young Lawyers Association para kay Sen. Miriam Defensor-Santiago bilang susunod na SC Chief Justice sa kabila na tapos na ang deadline nito.
Hindi nakaabot ang pangalan ni Santiago dahil lampas na sa itinakdang panahon ng pagsusumite ng endorsement sa JBC ang kanyang nominasyon. Tatlong senior justices na lamang ang maglalaban para sa puwestong iiwan ni Chief Justice Hilario Davide na magreretiro ngayong Disyembre 20.
Sasailalim sa interview sina Associate Justices Reynato Puno, Artemio Panganiban at Leonardo Quisumbing sa Disyembre 1 at 2 kung saan isasapubliko ang nasabing interbyu. Umatras sa labanan sina Asso. Justices Consuela Ynares-Santiago at Angelita Sandoval-Gutierrez. Nasa kamay ng JBC kung pagbibigyan na magkaroon ng extension para sa nominasyon ni Santiago. (Rudy Andal/Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended