Magsaysay binabantaan sa fertilizer fund probe
November 24, 2005 | 12:00am
Kahit nakakatanggap ng death threats, hindi titigil si Sen. Ramon Magsaysay Jr. sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa P178 milyong anomalya sa fertilizer fund.
Nitong Martes ng gabi ay isang text message ang natanggap ni Sen. Magsaysay, chairman ng Senate committee on food and agriculture, na may nakasaad na "Sen. Magsaysay, itigil niyo ng chief of staff mo ang imbestigasyon niyo kung ayaw niyong dalawa mabura sa mundo". Nasundan pa ito ng isang text message na "isang bala ka lang."
Ayon kay Magsaysay, tuloy ang pagdinig bukas sa kuwestiyunableng P728-M fertilizer fund. Ang pondo ay ginamit umano para matiyak ang pagkapanalo ni Pangulong Arroyo nitong nakaraang halalan.
Wala namang balak magdagdag ng security ang senador dahil "sa aming mga Magsaysay hindi kami sanay na maglakad ng maraming bodyguards", wika nito. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended