Piloto patay sa plane crash
November 24, 2005 | 12:00am
Isang piloto ang nasawi habang malubha naman nasugatan ang student pilot na kanyang tinuturuan matapos mag-crash ang eroplanong kanilang sinasakyan sa Alabat, Quezon.
Sa ulat ng Air Transportation Office (ATO), nakilala ang namatay na piloto na si Capt. Michael Lim, samantala ang student pilot ay si Fidel Gabriel.
Nabatid na ang Cessna plane 150 na may tail number RP-C747 at pag-aari ng Master Flying School ay umalis sa Daet, Camarines Sur kahapon ng hapon patungong Plaridel, Bulacan.
Nagsasagawa umano ang mga ito ng routine flying lesson nang biglang bumulusok ang eroplano at bumagsak sa Alabat Island.
Rumesponde ang mga nakatira malapit sa pinangyarihan ng aksidente at agad na nakuha sina Lim at Gabriel, subalit hindi na umabot ng buhay si Lim.
Nagpadala na ng imbestigdaor ang ATO sa crash site upang malaman ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended