^

Bansa

Krudo nagrolbak, LPG tumaas

-
Muli na namang ibinaba ng mga kompanya ng langis ng .50 sentimos kada litro ang kanilang produktong petrolyo subalit itinaas naman ng .50 sentimos kada kilo ang kanilang liquefied petroleum gas (LPG).

Kagabi sinimulan ng Shell, Petron, Caltex, Flying V, at SeaOil ang pagpapalit sa presyo ng kanilang produktong diesel, gasolina at kerosene ngunit umaabot naman sa P5.50 kada 11 kilo ang itinaas ng LPG.

Ayon kay Shell spokesperson Robert Kanapi, ito na ang ikaapat na pagbaba ng presyo ng kanilang produktong petrolyo mula nang maipatupad ang expanded value added tax (EVAT) noong Nobyembre 1.

Ayon naman kay Department of Energy (DoE) Undersecretary Peter Anthony Abaya na inaasahan pa ang sunud-sunod na rolbak hanggang buwan ng Enero sa susunod na taon at aabot pa sa P3 kada litro ang ibababa nito.

Sa kasalukuyan ay umaabot na lang sa P31.70 ang presyo ng diesel na karamihang ginagamit ng mga pampasaherong jeep at bus habang tuloy pa rin ang P1 diskuwento ng mga ito sa mga gasoline stations. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

CALTEX

DEPARTMENT OF ENERGY

EDWIN BALASA

ENERO

FLYING V

KAGABI

MULI

ROBERT KANAPI

UNDERSECRETARY PETER ANTHONY ABAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with