^

Bansa

NCR tinalo ng mga paaralan sa probinsiya sa Achievement Test

-
Pinataob ng mga paaralan sa probinsiya ang mga eskwelahan sa National Capital Region (NCR) sa katatapos na National Achievement Test (NAT).

Base sa inilabas na resulta ng National Education Testing and Research Center (NETRC), topnotcher ang Eastern Visayas na nakakuha ng 69.15% sa Grade Six at 58.55% sa High School level, habang ang NCR ay nakapuwesto sa ikawalo sa Grade Six level at pang-11 naman sa Fourth Year level.

Sinabi ni DepEd spokesman at Assistant Secretary Camilo "Bong" Montesa sa 2005 Educators Congress na nakababahala ang naging resulta ng exam gayung ang NCR ang nakakakuha ng malaking pondo.

Napikon naman si DepEd NCR Director Teresita Domalanta sa pasaring na kulelat ang NCR at sinabing marami lamang diumanong obstruction sa pag-aaral ng mga bata kabilang na ang mga telebisyon, video machines at naglalakihang mga malls.

Dagdag pa rito ang hindi pakikipagtulungan ng magulang para mapigilan ang pagbubulakbol ng mga estudyante.

Gayunman, sinabi nito na pipilitin nilang makopo ang unang puwesto sa susunod na taon. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ASSISTANT SECRETARY CAMILO

DIRECTOR TERESITA DOMALANTA

EASTERN VISAYAS

EDUCATORS CONGRESS

EDWIN BALASA

FOURTH YEAR

GRADE SIX

HIGH SCHOOL

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with