Sinimulan kahapon ng Shell, Caltex at Total ang nasabing pagtaas bilang huling bahagi ng P4.27 installment hike nang biglang tumaas ang presyo ng LPG sa world market nitong nakaraang buwan, mula $440.2 kada metriko tonelada noong Setyembre ay naging $519 ng pumasok ang Oktubre.
Dahi dito kinailangang bawiin ng mga kumpanya ang luging P4.72 subalit pinakiusapan ng Deparment of Energy na kung maaari ay huwag biglain at gawing lingguhan ang gagawing increase na sinang-ayunan naman ng mga oil companies.
Inaasahan namang susunod ang iba pang kompanya ng petrolyo sa nasabing price hike ng kaparehas na presyo.
Dahil dito naglalaro na sa P500 hanggang P510 ang presyo ng LPG sa lokal na pamilihan. (Edwin Balasa)