Boncodin pipigain ng Senado sa anomalya sa fertilizer fund
November 12, 2005 | 12:00am
Ipagpapatuloy ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr. ang imbestigasyon sa P728-milyong fertilizer fund scam sa susunod na linggo kung saan si dating Budget Secretary Emilia Boncodin ang inimbitahan nito para isiwalat ang kanyang nalalaman dito.
Sinabi ni Sen. Magsaysay, chairman ng committee on agriculture and food, nabigong makadalo sa naunang mga pagdinig si Boncodin dahil nakaratay ito sa National Kidney Institute.
Ayon kay Magsaysay, bagamat nagbigay na ng deposition si Boncodin hinggil sa nalalaman nito sa Special Allotment Release Order (SARO) noong Pebrero 3, 2004 ay kinakailangan ang pagdalo nito sa pagdinig sa darating na Huwebes ng umaga sa Senado.
Ipinaliwanag ng senador na si Boncodin ang higit na nakakaalam nito dahil siya ang head ng DBM noong ipalabas ang nasabing pondo para sa Ginintuang Masagang Ani (GMA) fund.
Nais ding malaman ng Senado mula kay Boncodin kung ginawa din ang mga bagay na ito sa pagpapalabas ng pondo sa mga nakalipas na taon dahil sa pagkakaroon ng 3 beses na reenacted budget. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended