Exams sa gobyerno gagawing Ingles
November 11, 2005 | 12:00am
Upang hindi naman maagrabyado ang mga estudyante at examinees mula sa mga non-Tagalog speaking provinces na kumukuha ng civil service, professional regulation at teacher exams ay gagawing Ingles ang lahat ng mga tanong sa pagsusulit.
Ipinaliwanag ni Las Piñas City Rep. Cynthia Villar, awtor ng panukala na ang English ay tanggap na bilang lengguwahe o medium of communications sa buong mundo. Ngunit sa mga taga-Visayas at Mindanao, mas naiintindihan nila ang English sa Tagalog.
Sinabi naman ni Dr. Martha Mogol ng National Organization for Professional Teachers (NOPT) na ang paggamit ng Tagalog sa mga eksaminasyon ay hindi makatarungan ng mga examinees na iba ang dialect. Maging si Leonor Rosero, kinatawan ng Professional Regulation Commission (PRC) ay pabor sa pagpasa ng panukala. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest