^

Bansa

Kasambahay sa Pinas umabot na sa 2.5-M

-
Umaabot na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga kasambahay sa bansa kaya umapela kahapon sa Kongreso ang mga kumakatawan dito na magpasa ng batas na magbibigay ng proteksiyon sa kanila.

Sa isinasagawang National Domestic Workers Summit na dinaluhan ng mga kasambahay, lumabas na biktima pa rin ng diskriminasyon at iba’t ibang uri ng pang-aabuso ang mga kasambahay.

Sinabi ni Cecilia Qebanda, presidente ng Visayan Forum Foundation Inc., na tumutulong sa mga kasambahay, ang nasabing sektor (kasambahay) ay dapat na ituring na mahalagang bahagi ng lipunan kaya dapat protektahan.

Hiniling nito na muling ihain sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Kasambahay Act na hindi naaprubahan sa Senado noong 12th Congress dahil sa kakulangan ng panahon.

Nagbabala si Oebanda na babaho at dudumi ang bahay ng kanilang employers kapag nagwalk-out at nagprotesta ang mga ito.

Idinagdag ni Qebanda na malaki rin ang naitutulong sa ekonomiya ng bansa ng mga kasambahay na nasa labas ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, sa kabuuang 140,000 mga migrante sa Hong Kong, mahigit sa 120,000 sa mga ito ay pawang mga kasambahay. (Malou Rongalerios)

AYON

CECILIA QEBANDA

HONG KONG

KASAMBAHAY

KASAMBAHAY ACT

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL DOMESTIC WORKERS SUMMIT

VISAYAN FORUM FOUNDATION INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with