^

Bansa

Diskriminasyon sa mga katutubong guro, nabulgar

-
Ibinulgar ng isang mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) ang nagaganap na diskriminasyon sa pagtanggap ng mga bagong guro sa mga katutubo dahil sa sistema na pagkunsidera sa pinagtapusang paaralan ng mga ito.

Sinabi ni Education officer-in-charge Dr. Fe Hidalgo na "discriminatory" ang ipinapatupad na panuntunan ng ahensya sa pagtanggap ng mga bagong guro kung saan hindi natatanggap ang mga aplikanteng buhat sa mga katutubong grupo.

Kabilang sa guidelines ang grado nito sa kolehiyo, antas ng nakuha sa Licensure Examination for Teachers (LET) at uri ng paaralang pinagtapusan ng aplikante.

Base dito, karamihan sa mga aplikanteng bigo maging guro ay mga katutubo dahil sa mga pinasukang hindi kilalang kolehiyo dahil sa pagiging liblib ng kanilang lugar. Nagiging "underdog" umano ang mga katutubong nais maging guro dahil sa kanilang paaralan.

Ipinanukala ni Hidalgo na hatiin sa tatlong kategorya ang mga aplikante-Muslim, katutubo at mayorya. Sa ganitong paraan umano, hindi maikukumpara ang mga katutubo sa ibang aplikante buhat sa mga lungsod sa pagkakaroon ng sarili nilang kategorya.

Ipinagmalaki naman ni Hidalgo na naibaba na ng DepEd ang kanilang kakulangan sa silid-aralan sa 8,684 buhat sa dating 17,873 nitong 2004; 2.4 milyon na upuan na lang ang kulang buhat sa dating 3.9 milyon; at 26.85 milyong libro na lamang ang kulang buhat sa 34.7 milyon.

Umaasa naman si Hidalgo na maibababa nila sa 20,874 ang kakulangan ng ahensya sa guro ngayong taon sa pagtanggap ng 10,000 bagong guro base sa inilaang P1.2 bilyong pondo. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. FE HIDALGO

GURO

IBINULGAR

IPINAGMALAKI

IPINANUKALA

KABILANG

LICENSURE EXAMINATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with