^

Bansa

Bitay sa 21 preso iniliban uli ni PGMA

-
Ipinagpaliban muli ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsasagawa ng bitay sa pamamagitan ng lethal injection sa 21 death convict na napatunayang nagkasala ng heinous crime.

Pinagkalooban ng 90-araw na reprieve ni Pangulong Arroyo ang mga convict na nakatakdang bitayin sa buwang ito.

Batay sa ipinadalang impormasyon sa Department of Justice (DOJ), kabilang sa binigyan ng 90-day days reprieve ay sina Jeffrey Garcia, Juan Manalo, Alfredo Olicia, Melchor Estomaca, Alejo Miasco at Romeo Santos.

Itinakda ang pagbitay sa anim na convicts dapat noong November 7 ngunit ipinagpaliban na lamang ito ng Pangulo sa Pebrero 6, 2006.

Ang mga convicts na nakatakdang bitayin dapat sa November 14 ay sina Carmilo Soriano, Gerrico Vallejo, Rolando Pagdayawo, Arthur Pangilinan, Arnold Lopez, Reynaldo Yambot, Jaime Carpo, Oscar Ibao, Warlito Ibao at Roche Ibao.

Ipinagpaliban ang pagbitay dito sa Pebrero 13.

Ipinagpaliban din ng Pangulo ang nakatakdang pagbitay kina Eddie Sernadilla, Rodolfo Junas, Romeo Reyes, Celso Morfi at Danilo Alfaro.

Magugunita na mula noong 2004 ay nagpatupad ng reprieve o moratorium si Pangulong Arroyo sa pagpapatupad ng parusang kamatayan. (Grace Dela Cruz)

ALEJO MIASCO

ALFREDO OLICIA

ARNOLD LOPEZ

ARTHUR PANGILINAN

CARMILO SORIANO

CELSO MORFI

DANILO ALFARO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE SERNADILLA

IPINAGPALIBAN

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with