Ginastos sa ospital ng Sahiron look-alike ipapa-ako sa PNP
November 9, 2005 | 12:00am
Posibleng ipabayad ng napagkamalang Abu Sayyaf leader sa Philippine National Police (PNP) ang ginastos niya sa pagpapagamot sa tinamo niyang pinsala sa katawan sa ginawang pag-aresto sa kanya sa Zamboanga Sibugay kamakailan.
Ipinaliwanag ni Justice Sec. Raul Gonzalez na may pananagutan ang PNP at may karapatan si Antonio Gara na sila ay singilin bilang danyos sa perwisyong idinulot sa biktima at pamilya nito.Partikular anya na dapat bayaran ng PNP kay Gara ang mga nagastos nito sa pagbili ng gamot at pagpapa-ospital.
Magugunita na nakuryente si Pangulong Arroyo sa paghahayag na nadakip na ang lider ng Abu Sayyaf na si Sahiron, subalit nang beripikahin ito ni PNP Chief Arturo Lomibao ay kamukha lamang pala ni Sahiron ang nahuli.Dahil ditoy agad na pinabalik sa kanyang pamilya si Gara. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended