^

Bansa

Mga kongresista sa Bukluran pinaiimbestigahan

-
Inatasan ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga kongresistang miyembro ng Bukluran Para sa Katotohanan na itinatag ng De La Salle brothers kasama si dating Pangulong Cory Aquino kung may koneksiyon o ugnayan ito sa mga kumikilos para mapabagsak ang administrasyong Arroyo.

Sa memorandum na ipinadala ng Palasyo kay DOJ Sec. Raul Gonzalez, inutos nito na siyasatin kung may pakikipag-alyansa ang nabanggit na grupo sa CPP-NPA at kung may kaugnayan ang mga pary-list group sa mga aktibidades ng makakaliwang grupo.

Pinasisiyasat din sa DOJ kung maaaring pansamantalang ipapigil sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng pork barrel sa mga party-list representatives.

Itinayo ang Bukluran bilang umbrella organization ng mga nagsama-samang partido tulad ng United Opposition, Citizens Congress, Sanlakas, Bayan Muna, Gabriela at Akbayan.

Matatandaang napaulat na ang pork barrel ng mga militant representatives ay ginagamit umano sa mga isinasagawang kilos protesta laban sa pamahalaang Arroyo. (Grace dela Cruz)

BAYAN MUNA

BUKLURAN PARA

CITIZENS CONGRESS

DE LA SALLE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF JUSTICE

PANGULONG CORY AQUINO

RAUL GONZALEZ

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with