^

Bansa

Customs collector pinasu-suspinde sa katiwalian

-
Pinasasailalim sa suspension sa Office of the Ombudsman ang isang deputy collector ng Bureau of Customs (BOC) upang hindi umano nito maimpluwensiyahan ang kasong katiwalian na isinampa laban dito sa mababang hukuman. Sa ipinadalang liham sa tanggapan ng Ombudsman ni Atty. Zaldy Quimpo, abogado ng mga complainant na sina Henry Limon at Cecil Quimpo, dapat lamang na pansamantalang masuspinde sa kanyang posisyon si Deputy Collector for Assessment Gracia Caringal, habang nakabinbin pa ang kasong paglabag sa RA 3019 o mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban dito sa Manila Regional Trial Court. Hiningian umano ni Caringal ng regalo at pera sina Limon at Quimpo kapalit ng pag-release ng kanilang mga textile products. Bukod dito, nadiskubre rin ang tatlong palapag na gusali nito sa Rosario, Batangas na nagkakahalaga ng P25-M; resthouse sa Ayala na P5-M at residential house sa Ayala na aabot sa P30-M gayong ang buwanang sahod nito sa gobyerno ay P25,000 lamang. (G.dela Cruz)

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ASSESSMENT GRACIA CARINGAL

AYALA

BATANGAS

BUREAU OF CUSTOMS

CECIL QUIMPO

DEPUTY COLLECTOR

HENRY LIMON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

ZALDY QUIMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with