Ayon kay Connie Bragas-Regalado, chairperson ng Migrante, malinaw na diskriminasyon at kawalan ng tiwala ang nararanasan ng mga OFWs sa Singapore na binabantayan ng napakaraming security cameras habang nagtatrabaho.
Ayon pa kay Regalado, sa ilalim ng Vienna Convention on Consular Relations kung saan signatories ang Pilipinas at Singapore, obligasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palagan ang discriminatory na patakaran.
Umaabot sa 140,000 kasambahay ang nasa Singapore kung saan nagmula sa Pilipinas, Indonesia at Sri Lanka ang karamihan. (MRongalerios)