3 kaalyado ni Nieto idinemanda sa CA
November 2, 2005 | 12:00am
Nahaharap sa kasong contempt o paglapastangan sa hukuman ang tatlong miyembro ng grupo ni Manuel Nieto, Jr. dahil sa umanoy paglabag sa kautusan ng Court of Appeals CA) na tumigil sila sa pagpapakilala na sila ay mga board members at opisyales ng Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) at Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat).
Ang reklamo ay isinampa ng POTC at ng subsidiary nito, ang Philcomsat, laban kina Enrique Locsin, Manuel Andal at Alma Kristina Alobba.
Nauna rito, pinawalang-bisa ng Sandiganbayan ang temporary restraining order (TRO) na pinalabas laban sa POTC at Philcomsat board at management na pinangungunahan nina Victor Africa at Erlinda Bildner, presidente at chairman, ayon sa pagkakasunod, ng dalawang kumpanya dahil kuwestiyunable umano ang mga ebidensiya na ginamit ni Locsin.
Sa reklamo ni Locsin, nagsagawa ang grupo ni Nieto ng stockholders meeting para sa POTC at Philcomsat noong Agosto 2004 at inihalal ng grupo ang kanilang mga miyembro sa board ng dalawang kumpanya. Ang nasabing pagpupulong ay kinatigan umano ng Securities and Exchange Commission (SEC). Subalit noong Agosto 31, 2004 ay nagpalabas ng TRO ang CA upang pigilin ang pagpapatupad ng mga kautusan ng SEC na panig sa grupo ni Nieto.
Ayon kay Africa, sinasadya ni Locsin ang paglabag sa kautusan ng CA at dapat lamang na maparusahan ito. Tinukoy naman ni Africa na si Alobba ay patuloy na nagpapakilala bilang assistant corporate secretary ng Philcomsat at si Andal ay treasurer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest