Pinay sa Spain di nag-suicide
October 30, 2005 | 12:00am
Lumalabas na may "foul play" sa pagkamatay ng Pinay domestic helper na si Ivy Collantes Bautista na unang iniulat na naglaslas ng leeg sa Spain.
Sa ipinalabas na re-autopsy report ng Commission on Human Rights (CHR), pinatay si Bautista sa pamamagitan ng paggilit sa leeg nito ng patalim at nakitaan ito ng saksak malapit sa puso at maraming sugat at pasa sa buong katawan.
Sa unang isinumiteng report ng pulisya sa Spain, suicide ang dahilan ng pagkasawi ni Bautista taliwas sa naging resulta ng awtopsiya ng CHR nitong Oktubre 27.
Ang mga labi ng Pinay ay dumating sa bansa nitong Oktubre 16 at dahil sa pagdududa ng mga kaanak nito ay isinagawa ang re-autopsy.
Inilibing na kahapon ang mga labi ni Bautista sa Calauan, Laguna kasabay ng pagsigaw ng pamilya nito ng hustisya.
Binatikos din nila ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagtatakip sa tunay na pagkamatay nito at naniwala agad sa report ng Embahada. Si Bautista ay natagpuang patay sa utility room ng bahay ng kanyang employer nitong Setyembre 27, tatlong araw bago siya nakatakdang umuwi sa Pilipinas. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended