^

Bansa

Sinibak na GSIS employees ibalik! - CA

-
Inatasan ng Court of Appeals (CA) ang Government Service Insurance System (GSIS) na pabalikin sa serbisyo ang halos 300 empleyado na tinanggal nito kasabay ng pagbasura sa motion for reconsideration ni GSIS President Winston Garcia.

Sa resolution ng CA, sinabi nito na maituturing na pag-abuso sa kapangyarihan ang ginawang pagsibak sa mga nasabing empleyado ng GSIS.

Ipinaliwanag ng korte na bagama’t may karapatan si Garcia na magtanggal ng empleyado sa ilalim ng Section 45 ng Republic Act No. 8291, maituturing na may bahid paghihiganti ang ginawa nito ng sibakin sa kanilang trabaho ang mga empleyadong nag-aklas laban sa kanya dahil lamang binato ito ng matinding pagbatikos hinggil sa pondo ng GSIS.

Magugunita na sinibak ng GSIS ang tinatayang 300 kawani nito kung saan 278 dito ang sinampahan ng kaso ni Garcia at 20 ang nadesisyunan, 182 ang kinastigo at lima ang napatawan ng one month suspension makaraang magsagawa ang mga ito ng kilos-protesta laban kay Garcia dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo ng GSIS. (Grace dela Cruz)

COURT OF APPEALS

CRUZ

GARCIA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

INATASAN

IPINALIWANAG

MAGUGUNITA

PRESIDENT WINSTON GARCIA

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with