Sinabi ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, walang dinaranas na bangungot ang Palasyo dahil sa nakatakdang pagbabalik sa bansa ni Jimenez sa darating na Nobyembre 22.
"Ang agenda ng ating Pangulo ay isulong lamang kung ano ang nararapat para sa kaunlaran ng ating ekonomiya at iba pang pangunahing pangangailangan ng ating mamamayan," wika pa ni Bunye.
Samantala, ipinagmalaki naman ng Palasyo na makakapagbigay ng 2,000 trabaho ang pinasinayaan ni Pangulong Arroyo na Winsource Solutions Ltd. call center sa Mandaluyong City.
Ang pagtatayo ng call center ng Winsource Solutions ay upang makatulong na maabot ang adhikain ng Pangulo na makalikha ng 6 milyon hanggang 10 milyong trabaho bago matapos ang kanyang termino sa 2010.
Inilunsad din ni PGMA ang pagtatayo ng 1,000 modular libraries sa ibat ibang panig ng bansa sa tulong ng Bevil Mabey Study Foundation katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH). (Lilia Tolentino)