^

Bansa

Alak, sugal bawal sa Caloocan sa Todos

-
Ipinagbawal ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang pag-inom ng alak, pagsusugal at hindi kinakailangang pag-iingay sa loob ng mga sementeryo sa paggunita sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

Sa Executive Order 031-05, hiniling ni Echiverri sa mga pupunta sa sementeryo na sundin ang ipatutupad na liquor at gambiling ban. Sinabi ng alkalde na muli na namang darayuhin ng mga tao ang sementeryo bilang pag-alala sa kanilang mga sumakabilang-buhay na kamag-anak at karaniwang kasama sa nasabing paggunita ang mga hindi kailangang gawain at pag-iingay tulad ng sugal, inuman at pagpapatugtog ng malakas.

Inaasahan na rin ang masikip na trapiko sa loob at paligid ng sementeryo kaya inatasan ng alkalde ang Caloocan City police at Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) na magpakalat ng karagdagang law at traffic enforcers sa mga sementeryo, gayundin ang paggawa ng traffic plan para sa mga major at alternate routes.

Mayroong pitong sementeryo sa Caloocan-Tala Public Cemetery, Sangandaan Public Cemetery, Bagbaguin Public Cemetery, La Loma Serenity Cemetery, Eternal Cemetery at Forest Park Cemetery.

BAGBAGUIN PUBLIC CEMETERY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN-TALA PUBLIC CEMETERY

ECHIVERRI

ETERNAL CEMETERY

FOREST PARK CEMETERY

LA LOMA SERENITY CEMETERY

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with