^

Bansa

Walang rekonsilasyon sa militante — Bunye

-
Wala na umanong balak pa ang Malacañang na makipagkasundo sa militanteng grupo dahil sa ipinakita nilang marahas na pagkilos nitong Biyernes na nagresulta sa pagkasugat ng 11 pulis.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, may ipinatutupad na principled reconciliation si Pangulong Arroyo, subalit lumabo na ito dahil ang pinakahuling rally ay nagpakita na iisa lang ang layunin ng militante, ang maibagsak ang gobyerno ni Arroyo.

Sinabi ni Bunye na ang grupo ng ralista sa unang hanay ay nagpakita ng determinasyon na makapasok sa Mendiola kaya sumiklab ang gulo. Nakita rin sa footage ng video ang pambabato at pananadyak ng ralista sa mga pulis at paghatak sa isang babaeng pulis kaya maraming nasaktan.

Idinepensa rin ni Bunye ang pagbibigay ng Pangulo ng medalya sa mga nasugatang pulis dahil ginampanan lamang ng mga ito ang kanilang tungkulin sa kabila ng pang-aabuso at pang-iinsulto sa kanila ng mga demonstrador. (Lilia Tolentino)

AYON

BIYERNES

BUNYE

IDINEPENSA

LILIA TOLENTINO

MALACA

MENDIOLA

NAKITA

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with