P1 tax sa text
October 23, 2005 | 12:00am
Binara ng Malacañang ang panukala ni Sen. Richard Gordon na patawan ng P1 ang bawat text message sa cellphone para mas maitaas ang koleksiyong buwis na pambayad sa dayuhang pagkakautang ng bansa.
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, hindi pa napapanahon ang suhestiyon ni Sen. Gordon at kung ito ay ipagpipilitan ng senador tiyak na papalag dito ang milyong cellphone subscribers at mga kumpanya.
Sinabi ni Bunye na ayaw na ni Pangulong Arroyo na magalit pa lalo ang publiko sa panibagong buwis na kanilang babalikatin lalo pa ngat sisimulan pa lang ang pagpapatupad ng EVAT sa Nobyembre.
"Ang importanteng ipatupad ay ang existing law. Hindi pa nga tayo nakapagsisimulang makakolekta sa EVAT. Puwedeng ipagpaliban muna ang panukalang ito," pahayag ni Bunye.
Tumanggi naman si Bunye na magkomento sa panukalang ipagpaliban ang EVAT. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am