Domestic Workers Summit sinuportahan ng TM
October 22, 2005 | 12:00am
Mahigit sa 200 local domestic workers ang nagtipun-tipon kamakailan para sa kauna-unahang Domestic Workers Summit na ginanap sa Skyline Riverbend Hotel sa Marikina City. Kabilang sa mga sumuporta sa tatlong-araw na pagtitipon ang International Labor Organization (ILO), Anti-Slavery International, Plan Philippines at TM, ang prepaid cellphone service para sa manggagawang Pinoy.
Maliban sa paghahatid ng mga abot-kayang cellphone services, aktibo rin ang TM (ang pinalakas na Touch Mobile) sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at inisyatibo nito. Kabilang sa mga ito ay ang mga employment assistance project gayundin ang mga recreational activity at sports programs tulad ng billiards, boxing at basketball.
"Naniniwala ang TM sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino at sa kanilang sipag at tiyaga para mapabuti ang kanilang pamumuhay. Bilang bahagi ng mahalagang pagtitipon tulad nito, nais naming ipaabot ang aming lubos na pagsuporta sa mga kasambahay natin," sabi ni Nonie Busuego, Head ng TM.
May temang "Domestic Work is Decent Work," ang Domestic Workers Summit ay nagsilbing panimula sa kampanya para mapalakas ang domestic work sector sa bansa. Layon ng mga organizer na maiangat sa national policy-making level ang mga pinag-usapang isyu sa tatlong araw na pagtitipon.
Kasalukuyang nakabimbin sa Kamara ang "Kasambahay Bill" na naglalayong i-regulate ang domestic work bilang isang uri ng trabaho o employment. Ilan sa mga mahahalagang feature ng panukalang-batas ay ang pagtatakda ng minimum age requirement na 15-taong gulang para sa mga namamasukan at ang pagtataas ng kanilang minimum wage. Nilalayon din ng "Kasambahay Bill" na mabigyan ng 13th month pay ang mga kasambahay. Dagdag pa nito, nais din ng naturang panukalang-batas na maging miyembro ng PhilHealth at Social Security System ang lahat ng mga namamasukan, mabigyan ng tiyak na araw ng pagpapahinga o day off, at higit sa lahat, gawing mandatory para sa mga employer na magbigay ng pormal na employment contract sa mga kasambahay.
Ang pagsuporta ng TM sa Domestic Workers Summit ay patunay lamang na maliban sa paghahatid ng abot-kayang cellphone services, pursigido rin ang TM na makakapaghatid ng pagbabago sa buhay ng mga ordinaryong Piliipino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended