GMA puntang Malaysia

Umalis kahapon si Pangulong Arroyo para dumalo sa libing ng yumaong maybahay ni Malaysian Prime Minister Abdullah Ahmad Badawi.

Kinansela ng Pangulo ang kanyang pagtungo sa Ormoc City para pangunahan ang bansa sa pakikiramay kay Endon Mahmood. Si Endon ay namatay sa sakit na breast cancer.

Ang Malaysia ay malapit na nakikipagtulungan sa pamahalaang Arroyo para sa ikatatagumpay ng peace negotiation ng gobyerno at MILF. (Lilia Tolentino)

Show comments