^

Bansa

Tricycle, pedicab drivers binalaan ni Recom sa pasahe

-
Binalaan kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang mga tricycle at pedicab drivers at operators na magtataas ng kanilang pasahe dahil wala itong awtorisasyon ng pamahalaang-lungsod. Sinabi ni Echiverri na hindi tamang samantalahin ng ilang mga driver ang kaguluhang nagaganap at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Ito ay makaraang makatanggap ng reklamo ang alkalde hinggil sa ilang tricycle driver na nagtaas na ng kanilang pasahe. Ipinaliwanag nito na ang mga magtataas ng kanilang pasahe ay lalabag sa batas at ordinansang ipinaiiral sa lungsod.

Kung nais anya ng mga drivers at operators na magtaas ng pasahe ay nararapat na makipag-ugnayan sila sa Tricycle and Pedicab Regulatory Services sa city hall. Dapat anyang isaalang-alang ang kapakanan ng mga sumasakay dahil hindi naman tumataas ang suweldo ng mga ito.

BINALAAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DAPAT

ECHIVERRI

IPINALIWANAG

RECOM

SINABI

TRICYCLE AND PEDICAB REGULATORY SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with