Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, unti-unti nang nawawala ag destabilisasyon at nanunumbalik na sa normal ang kalagayang pangkaayusan at pangkatahimikan sa bansa kaya dapat nang ituon ang pansin sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Pinawi rin ng Malacañang ang inihayag ng International Monetary Fund na ang political crisis sa bansa ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling mabuway ang ating ekonomiya. Base sa pag-aanalisa ng IMF, isa ring dahilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. (Lilia Tolentino)