^

Bansa

Michael Ray dawit na rin sa Dacer-Corbito

-
Kinatigan ng Korte Suprema ang kahilingan ng prosecution na mapasama si dating P/Supt. Michael Ray Aquino sa mga akusado sa Dacer-Corbito double murder case.

Inatasan ng SC si Manila RTC branch 18 Judge Perfecto Laguio na tanggapin na ang amended information na isinampa ng prosekusyon kung saan bukod kay Aquino, isinasama na rin bilang mga akusado sina P/Supt. Cesar Mancao at yumaong si P/Sr. Supt. Teofilo Viña.

Habang ibinasura naman ng SC ang kagustuhang maging state witness ng akusadong si P/Supt. Glen Dumlao na naunang nagdawit kina Aquino at Mancao sa nabanggit na kaso.

Ipinaliwanag ng SC na tanging ang mga akusadong sibilyan lamang na sina Jimmy Lopez, William Lopez at Alex Diloy ang maaaring gamiting state witness sa kaso.

Pinagtibay rin ng SC na maabswelto sa kaso si P/Insp. Danilo Villanueva bunga ng mistaken identity at sa halip ay si SPO3 Allan Villanueva ang pinakakasuhan.

Nag-ugat ang kaso sa pagdukot at pagpatay sa public relations practitioner na si Salvador "Bubby" Dacer at sa kanyang driver na si Emmanuel Corbito na kapwa binigti at sinunog bago itapon sa isang liblib na lugar sa Indang, Cavite may 5 taon na ang nakakaraan. (Grace dela Cruz)

ALEX DILOY

ALLAN VILLANUEVA

AQUINO

CESAR MANCAO

DANILO VILLANUEVA

EMMANUEL CORBITO

GLEN DUMLAO

JIMMY LOPEZ

JUDGE PERFECTO LAGUIO

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with