^

Bansa

Bio-diesel ng Flying V ilulunsad sa Davao

-
Matapos na ilunsad sa Metro Manila at Central Luzon, target namang ipakilala sa Oktubre 27 ng Flying V ang kanilang Envirotek Bio-diesel Premium (pre-blended bio-diesel) sa walong gasoline stations sa Davao City na naglalayong makatulong upang makatipid sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Ayon kay Flying V chief operating officer Paul Tanjutco, ang paglulunsad sa Davo City ay senyales ng "accelerated roll-out" ng brand ng Flying V na "coco-methyl ester" (CME) pre-blended diesel sa katimugang bahagi ng bansa.

Ang pagpapakilala sa Davao ay magtatala sa Flying V stations ng kanilang Envirotek Premium Diesel na iaalok sa 48 gasoline stations.

Ang Flying V ang pioneer oil company na nagpakilala ng CME pre-blended diesel sa merkado.

Sa Metro Manila launching nito kamakailan ay personal na nag-preside si Pangulong Arroyo at pinapurihan nito ang kumpanya sa pagsuporta sa programa ng pamahalaan na isulong ang paggamit ng alternatibo at indigenous na mapagkukunan ng langis sa gitna na rin ng krisis sa petrolyo. (Ellen Fernando)

ANG FLYING V

CENTRAL LUZON

DAVAO CITY

DAVO CITY

ELLEN FERNANDO

ENVIROTEK BIO

ENVIROTEK PREMIUM DIESEL

FLYING V

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with