Kotong sa lifestyle check pinatututukan ng DOJ
October 10, 2005 | 12:00am
Pursigido ang Department of Justice (DOJ) na matukoy ang iba pang sangkot o mastermind sa robbery extortion activities kasunod na napaulat na pagkaka-aresto sa isang tauhan ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS) na nasa ilalim ng Department of Finance.
Nakipag-ugnayan na si Justice Sec. Raul Gonzalez kay Finance Sec. Margarito Teves kaugnay sa isyu at inatasan na rin nito si NBI Director Gen. Reynaldo Wycoco na imbestigahan ang naarestong si Joselito Fernandez, nagpakilalang tauhan ng RIPS.
Si Fernandez ay dinampot ng mga tauhan ng PNP-CIDG dahil sa umanoy panghihingi ng P50,000 mula sa isang Juan Leron ng Batangas Revenue District 59 matapos takutin ang huli na ibabagsak sa lifestyle check.
Ang RIPS ng DOJ ang in-charge sa lifestyle check sa lahat ng mga kawani ng Bureu of Customs at BIR sa ilalim ng pamunuan ni Finance Undersec. Emmanuel Bonoan.
Iginiit ni Gonzalez na mayroon nang binuong task force na hahawak sa lifestyle check ng lahat ng mga kawani at opisyal ng gobyerno na nagmula sa tauhan ni Gonzalez sa DOJ, DOJ, DOF at Commission on Audit.
Si Fernandez ay sinampahan ng kasong robbery extortion sa Lipa City RTC Branch 13. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended