Squatter scam sa Marikina lumalalim
October 3, 2005 | 12:00am
Bukod sa mga napaulat na dayaan sa bentahan sa lupain sa Marikina City para sana sa mga iskwater, isa pang anomalya na may kaugnayan sa mga ito ang pinasabog pa sa Ombudsman.
Ayon sa report, may 8,439 square meters sa siyudad ang muli ay sinindikato, na matapos ipa-tax exempt ay pinabayaran pa umano sa Marikina City government at pagkatapos ay pinabayaran pang muli sa National Home Mortgage Finance Corporation.
Nalugi rin umano ang pamahalaan ng milyun-milyong piso matapos bigyan ng realty tax exemption mula pa noong 1980 ang isang 68,570 square meter na lupain na pag-aari nina Benigno dela Vega at Antonio Perez na nagawang pabayaran ng mga ito ang mahigit sa 15,000 square meters ng dalawang beses sa pamahalaang siyudad at sa National Home Mortgage Finance Corp.
Naibenta rin umano ng dalawa ang 8,439 square meters na tax-exempted land sa Kapisanan Lakas Bisig, Inc. sa halaga namang P14.4 milyon na katulad ng 15,000 square meter land na nauna nang ibinenta ng dalawa sa TMB, Inc. ay pinondohan din ng pamahalaang lungsod upang mabayaran.
Katulad din ng kaso sa TMB, matapos mabayaran sina dela Vega at Perez ng city government ay binayaran pa uli ang mga ito ng NHMFC ng halagang halos P14 milyon para sa nasabing lupa. "Tax exempted na, naibenta pa, at nabayaran pa uli," pahayag ng source, "bale tatlong beses binili ang iisang lupain sa dalawang pagkakataon."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest