Status quo kina Barbers at Kho
October 1, 2005 | 12:00am
Pinaboran ni Tourism Secretary Joseph Ace Durano ang pananatili sa puwesto ni Duty-Free Philippines General Manager Michael Kho.
Sa liham kina Kho at Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Robert Dean Barbers, sinabi ni Durano na dapat manatili sa puwesto si Kho bilang punong opisyal ng DFP sa kabila ng ipinalabas na suspension order ni Barbers.
"Without deciding the merits of the issue presented, both parties are directed to maintain the status quo prior to the issuance of the order of preventive suspension of the GM, DFP issued by the GM, PTA last September 14, 2005," ayon pa sa bahagi ng sulat ni Durano.
Ikinasiya naman ng mga lehitimong empleyado ng tindahan ang ginawang desisyon ni Durano. Ayon sa mga empleyado, babalik na sa normal ang sitwasyon sa tindahan matapos ang ginawang panggugulo ng kampo ni Dennis Mallari, ang tumatayong presidente ng umanoy unyon ng mga kawani.
Nag-ugat ang suspension order ni Barbers kay Kho matapos na maghain ng kasong administratibo si Mallari laban sa punong opisyal ng DFP.
Matatandaan na hindi pinayagan ng DOT ang inilabas na suspension order ni Barbers laban kay Kho matapos na sulatan ni Tourism Undersecretary Oscar Palabyab si Kho kung saan pinaboran ng una ang huli sa inihaing motion for reconsideration.
Sa kanyang liham, sinabi ni Palabyab na walang karapatan si Barbers na suspendihin si Kho batay sa Tourism Administrative Order 2004-001. Sa nasabing kautusan, tanging ang kalihim lamang ang may kapangyarihan na magtalaga, magdisiplina at magsibak sa pinuno ng DFP.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended