Ombudsman Marcelo nag-resign!
October 1, 2005 | 12:00am
Nagbitiw na kahapon sa puwesto si Ombudsman Simeon Marcelo at lumalalang kundisyon sa kalusugan ang kanyang pangunahing dahilan.
Bagaman hindi malinaw kung ano ang kalagayang pangkalusugan ni Marcelo, inamin nito sa isang mamamahayag na may ulcer ito, insomnia at hypertension.
Nakasaad sa kanyang 1-pahinang resignation letter na isinumite sa tanggapan ni Pangulong Arroyo na hindi dapat bigyang kulay ang kanyang pagbibitiw dahil wala umanong ibang dahilan maliban sa kanyang health condition.
Pinasalamatan din ni Marcelo ang Pangulo sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makapaglingkod sa gobyerno.
Magkakabisa ang resignation ni Marcelo sa Nob. 30, 2005.
Pansamantalang hahalili sa kanya si Overall Deputy Ombudsman Atty. Margarito Gervacio samantalang babalikan naman ni Marcelo ang private practice sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan sa gobyerno.
Nauna nang kumalat ang balitang na-pressure lamang si Marcelo sa pamahalaan nang ipamadali sa kanya ang paglilitis sa kasong graft ni Makati Mayor Jejomar Binay na kritikal sa gobyerno bunsod na rin ng pangunguna nito sa mga kilos-protesta laban sa administrasyon. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest