Vietnamese refugees nagtungo na sa US
September 27, 2005 | 12:00am
Umaabot sa 229 Vietnamese refugees na may 16 taong namalagi sa bansa ang umalis na kahapon at nagtungo sa Estados Unidos matapos aprubahan ang kanilang visa.
Bandang alas-12 ng tanghali ng umalis ang American Trans Asia chartered flight no. PZ-6088 na sinakyan ng may 229 Vietnamese refugees patungong Los Angeles, California.
Magkahalong saya at lungkot ang naging reaksyon ng tinaguriang boat people nang papaalis na ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport kahapon matapos bigyan sila ng immigrant status sa Estados Unidos.
Hiniling naman ni MIAA general manager Alfonsoi Cusi sa Philippine Tourism Authority (PTA) na huwag ng pagbayarin ng P550 na terminal fee ang nasabing mga Vietnamese bilang humanitarian consideration.
Napag-alaman na ang nasabing mga Vietnamese refugees na ito ay dadalhin sa ibat ibang resettlement area sa Estados Unidos matapos manatili ang mga ito sa bansa sa loob ng 16 taon makaraang umalis sila sa South Vietnam ng sumiklab ang giyera dito. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest